Si Lea Salonga ng siya ay nagaaral. |
1978-1988
Nagkaroon si Lea Salonga ng pagkakataon na maipakita ang kanyang talento ng siya ay pitong gulang pa lamang sa musikal na 'The King and I'. Naging pangunahing tauhan rin siya sa 'Annie' at sumali sa mga produksyon ng Cat on a Hot Tin Roof, Fiddler on the Roof, The Rose Tattoo, The Sound of Music, The Goodbye Girl, Paper Moon at The Fantasticks.
Nagsimula siya gumawa ng kanyang mga record sa pag-awit noong sampung taon pa lamang siya sa kanyang album na 'Small Voice' na nakatanggap ng parangal. Isa sa mga kanta roon ay nakasama niya ang kapatid niya na si Gerard Salonga na di nagtagal ay nagtrabaho bilang musical director niya at nakapaglabas sila ng kanyang pangalawang album na 'Lea'.
Karagdagan ay nakapaglabas rin siya ng kanyang sariling tv show ngalang, 'Love, Lea'. Naging parte rin siya sa produksyon ni German Moreno na 'That's Entertainment'. Bilang isang batang aktres ay napakarami na agad niyang natanggap na parangal.
1989-1992
Lea Salonga bilang Kim sa Miss Saigon
Napili si Salonga bilang Kim sa musikal na Miss Saigon noong 1989. Nahirap nang makahanap ng isang East-Asian na mangaawit sa United Kingdom. Luminbot ang mga producers sa iba't ibang lugar. Ang piniling kanta ni Salonga ay ang 'On my Own' sa Les Miserables at di nagtagal pinakanta rin siya ng 'The Sun and Moon.' para makita ang kanyang capacidad. Nabighani ang mga miyembro ng musikal sa kanyang kakayahan at dito napatunayan na nga na siya ang nararpat na Kim para sa Miss Saigon.
1993–1996
Lea Salonga bilang Eponine sa Les Miserables
Sa taong 1993, pagkatapos niyang gumanap bilang Kim sa Broadway, muli siyang sumabak sa Broadway na Les Misérables bilang si Éponine. Di tumagal ay lumipad siya patungong Los Angeles upang magampanan ang pag awit ng "A Whole New World" ng Disney's Aladdin. Nakasama niya rito si Brad Kane sa 65th Annual Academy Awards na kung saan nanalo ang kantang ito ng Oscar Award. Sa taong ding iyon, nailabas niya ang album na ipinangalan niya sa kanyang sarili para sa kanyang debut sa pamamagitan ng Atlantic Records. Nagkaroon lamang ito ng katamtamang dami ng pagbili sa USA samantalang nagkaroon ito ng platinum ng maibenta na ang album sa Pilipinas dahil nakapagbenta sila ng 3 milyong kopya sa buong mundo.
Sa taong 1994, sumali si Lea Salonga sa iba't ibang musikal na dulaan sa Pilipinas at Singapore. Siya ang nagbida bilang Sandy sa dulang Grease, Sonia Walsk para sa They're Playing Our Song, at isang mangkukulam sa Into the Woods.
Sa taong 1995 sa US, gumanap si Lea bilang Geri Roiordan, labing walong taong gulang na batang ampon sa palabas na Redwood Curtain ng Hallmark Hall of Fame. Sa pagbalik naman niya ng Pilipinas, nagbida sila ni Aga Muhlach sa palabas na "Sana Maulit Muli" na nagbigay sa kanya ng pangalawa niyang parangal sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) bilang Best Actress. Tinanggap din niya ang paanyaya ni Sir Cameron Mackintosh para gampanang muli ang papel na Éponine para sa ika-10 anibersaryo ng Les Miserables in Concert sa Royal Albert Hall sa London.
Taong 1996, Si Lea ay nasa Les Misérables muli dahil sa paanyaya sa kanya ni Sir Cameron Mackintosh at tinuloy ang kanyang papel hanggang sa Hawaii para sa national tour ng musical's US.
Nang matapos ang Miss Saigon sa Broadway noong 2001, Lumabas siya bilang Lien Hughes sa soap opera na "As The World Turns". Lumabas din siya sa TV medical drama "ER" bilang isang pasyenteng may saket na lymphoma.
1997-2003
Noong 1997. inilabas niya ang kanyang bagong album na "I'd Like to Teach The World to Sing". Ang benta ng album na ito ay umabot ng gold sa Pilipinas. Sumunod ang album na "Lea... In Love" noong 1998, at ang "By Heart" noong 2000. Ang dalawang album na ito ay umabot ng multiple platinum status sa Pilipinas. Siya'y gumanap din sa apat na konsiyerto "Hey Mr. Producer: The Musical World of Cameron MacKintosh", "The Homecoming Concert", "The Millenium Concert", at "The Best of Manila and Songs from the Screen".
Nang matapos ang Miss Saigon sa Broadway noong 2001, Lumabas siya bilang Lien Hughes sa soap opera na "As The World Turns". Lumabas din siya sa TV medical drama "ER" bilang isang pasyenteng may saket na lymphoma.
Noong 2002, Bumalik siya sa Broadway bilang isang Chinese na imigrante sa reinterpretasyon ng "Rodgers and Hammerstein's Flower Drum Song". Si salonga ay na-nominate at nanalo ng mga parangal tulad ng Lead Actress in a Musical, galing sa Theatre Los Angeles Ovation Awards. Ang Ginanapan niya ay tinaguriang isa sa pinakamagandang palabas sa Broadway noong 2002 ng Time magazine. Nakakuha din ito ng mga nominasyon galing sa Tony Awards, Outer Critics Circle, The Drama League, The Astaire Awards, Broadway.com, at sa Grammy Awards.
Lea Salonga bilang Fantine sa Les Miserables
Noong ika-6 ng Hulyo 2008, Naging isang columnist si Lea Salonga sa Philippine Daily Inquirer. Gumanap siya sa "Global Pop" sa Music Center noong Julyo 11, 2008.
2004-2007
Noong 2005, gumanap siya sa kaniyang unang US concert tour sa San Francisco, Los Angeles, Atlantic City, Chicago, Washignton D.C. at sa Virginia. Gumawa din ng voice-over work si Salonga bilang si Mrs. Kusakabe sa My Neighbor Totoro ni Hayao Miyazaki.
Lea Salonga bilang Fantine sa Les Miserables
Noong 2006, umawit siya ng "Triumph of The One" sa 15th Asian Games sa Doha, Qatar. Noong 2007, Naglabas siya muli ng album "Inspired" at muling gumanap sa Les Miserables sa Broadway, ngayon naman bilang si Fantine. Tumanggap si Salonga ng Order of Lakandula Award na ibinigay ni Gloria Macapagal-Arroyo bilang pagkilala sa kaniyang kahusayan at sa kaniyang talento sa pag-awit na pinakita niya sa buong mundo.
2008-2012
Noong ika-6 ng Hulyo 2008, Naging isang columnist si Lea Salonga sa Philippine Daily Inquirer. Gumanap siya sa "Global Pop" sa Music Center noong Julyo 11, 2008.
Noong 2008 hanggang 2009, Gumanap siya bilang Cinderella sa isang 30-week tour na nagsimula sa Manila, at tumuloy sa China, South Korea, Japan, Singapore, Malaysia, at Thailand. Pinalabas din ito sa Nevada, Washington, California, Indiana, New York, Hawaii at iba pa.
Lea Salong bilang Grizabella sa Cats
Gumanap si Lea Salong Bilagng Grizabella sa Asia-Pacific Tour ng musikal na Cats ni Andrew Lloyd Weber simula ng ika-23 ng Hulyo hanggang ika-22 ng Agosto, 2010 sa Cultural Center of The Philippines
Gumanap din si Lea Salonga bilang isang judge sa 60th Miss Universe 2011 sa Sao Paolo, Brazil. Siya ang nag-bigay ng tanong kay Miss Angola Leila Lopes na nanalo ng Miss Universe 2011 noong question-and-answer portion.
Pinarangalan si Salonga bilang isang Disney Legend noong ika-19 ng Agosto 2011. Siya'y umawit ng "A Whole New World" kasama si Darren Criss na isang half-Filipino na aktor at mang-aawit. Kinanta nila ito para sa komposer na si Alan Menken na ang sumulat ng kantang iyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento