"I hope to meet her too. Oh my gosh, I adore her," Mula kay Anne Hathaway, noong nakapanayam siya ng beteranong kolumnista na si Ricky Lo, matapos mabasa ang text message mula kay Lea Salonga.
Nang tanungin si Anne kung paano sila pinagkukumpara ni Lea sa pagganap bilang Fantine, ito ang nasabi niya, "I think if you think of me as an actor who sings, rather than a singer, I would probably be more impressive. But Lea has one of the great voices of our time."
Dagdag pa niya, "I don't think there's vocally anything that she can't do. And she's made a career as a singer, so I have complete deference to her.."
Si Lea Salonga ay nakilala sa kanyang mga kontribusyon sa larangan ng musika. At pagbibigay ng mga karangalan sa ating bansa. Naging matagunpay siyang mang-aawit hindi lang sa ating bansa kundi maging sa ibang bansa.
Nagsimula si Lea Salong sa kaniyang katanyagan noong siya ay napiling gumanap bilang Kim sa tagumpay na musikal na Miss Saigon noong 1989. Nagtamo siya ng mga gantimpala mula sa pinakarespetadong tagapaggawad ng parangal, at itinanghal bilang kauna-unahang Pilipina na nagkamit ng Laurence Olivier, Tony, Drama Desk ,Outer Critics Circle at ang Theatre World Award para sa natatangi niyang pagganap bilang Kim. Siya rin ay nakilalang bilang unang Asyanong gumanap na Eponine at Fantine sa musikal na Les Miserables sa Broadway. Si Lea Salonga ang nagbigay ng boses para sa mga prinsesa sa Disney na si Princess Jasmine sa sineng Aladdin Mulan noong 1992 at sa sineng Mulan at Mulan II noong 1998 at 2004. Siya ang kauna-unahang Filipino na nataguriang Disney Legend sa buong mundo. Tinaggap ni Salonga ang award at halos mapaiyak ito sa harap ng halos 4,000 fans sa standing ovation ng mga ito at walang humpay sa pagpalakpak sa katangi-tanging talento ng Pilipina.Sa kasalukuyan siya ay aktibo sa pagtulong bilang Ambassador of Goodwill ng United Nations.
Recorded her first album at the age of 10 entitled "Small Voice"
1981
Philippines
Aliw Awards Best Child Performer
1980-1982
Philippines
Tinig Awards Best Child Singer
1983-1985
Philippines
Originated the Lead role of Kim in the Hit Musical "Miss Saigon"
1989
London, England
1991
Broadway
Medal of Merit by President Corazon C. Aquino
1990
Philippines
Lawrence Olivier Awards: Best Actress
1991
London
Tony Awards: Best Actress in a Musical
1991
New York
Drama Desk Award
New York
Outer Critics Circle Award
Theatre World Award
New York
Provided singing voice to Princess Jasmine in Disney's Aladdin
1992
Portrayed the role of Tuptim in a remake recording of The King and I (also starring Ben Kingsley and Julie Andrews).
1993
Portrayed the role of Eponine in Les Misérables
1993
Broadway
Performed "A Whole New World" with Brad Kane at the 65th Annual Academy Awards
1993
Los Angeles, CA
Chosen to play the role of Eponine in the Les Misérables 10th Anniversary Concert in
1995
London
Starred in lead role, Geri Riordan, in the made-for-TV movie Redwood Curtain
1995
Recorded single "How Wonderful We Are" with Peabo Bryson for Disney's special feature People: A Musical Celebration of Diversity
1995
Performed at a concert following Hong Kong's reunification with China
November 1997
Performed at a concert with the Children's Choir of the Philippine Cultural Academy and the Philippine Heritage Foundation Chorale
1997
San Francisco, CA
Released her second U.S. album entitled "Lea ... in Love"
June 1998
Performed in Hey, Mr. Producer! celebrating the hit shows produced by Cameron Mackintosh alongside many other accomplished artists such as Colm Wilkinson and Jonathan Pryce.
June 1998
London
Provided singing voice for title character in Disney's Mulan. (Only second artist to provide voice more than once.)
Noong 1991 ay napili ng People magazine si Lea Salonga bilang isa sa 50 Most Beautiful People sa mundo?
Ang kapatid ni Lea na si Gerard Salonga ang nag-aayos ng lahat ng kanyang mga kanta?
Si Gerard isang napaka talentandong musikero at konduktor ng orkestra. Siya ay ang kasalukuyang head ng Music and Audio department sa Carmel House Studios at konduktor ng Global Studio Orchestra.
Nakabili si Lea ng puting Lexus IS300 E-Shift Sedan sa kanyang kaarawan noong 2002?
Matagal na niyang pinapangarap na gampanan ang papel na Eva Perón sa musikal na Evita
Siya ang kauna-unahang Filipinang nagkamit ng Olivier Award noong 1990 at Tony, Drama Desk, Outer Critics Circle, at Theatre World Awards noong 1991 bilang best actress sa kanyang pagganap bilang Kim sa broadway musical na Miss Saigon?
Nagkaroon siya ng concert debut sa Carnegie Hall noong ika-7 ng Nobyembre 2005?
Nagsimula siya gumawa ng kanyang mga record sa pag-awit noong sampung taon pa lamang siya sa kanyang album na 'Small Voice' na nakatanggap ng parangal. Isa sa mga kanta roon ay nakasama niya ang kapatid niya na si Gerard Salonga na di nagtagal ay nagtrabaho bilang musical director niya at nakapaglabas sila ng kanyang pangalawang album na 'Lea'.
Karagdagan ay nakapaglabas rin siya ng kanyang sariling tv show ngalang, 'Love, Lea'. Naging parte rin siya sa produksyon ni German Moreno na 'That's Entertainment'. Bilang isang batang aktres ay napakarami na agad niyang natanggap na parangal.
1989-1992
Lea Salonga bilang Kim sa Miss Saigon
Napili si Salonga bilang Kim sa musikal na Miss Saigon noong 1989. Nahirap nang makahanap ng isang East-Asian na mangaawit sa United Kingdom. Luminbot ang mga producers sa iba't ibang lugar. Ang piniling kanta ni Salonga ay ang 'On my Own' sa Les Miserables at di nagtagal pinakanta rin siya ng 'The Sun and Moon.' para makita ang kanyang capacidad. Nabighani ang mga miyembro ng musikal sa kanyang kakayahan at dito napatunayan na nga na siya ang nararpat na Kim para sa Miss Saigon.
1993–1996
Lea Salonga bilang Eponine sa Les Miserables
Sa taong 1993, pagkatapos niyang gumanap bilang Kim sa Broadway, muli siyang sumabak sa Broadway na Les Misérablesbilang si Éponine. Di tumagal ay lumipad siya patungong Los Angeles upang magampanan ang pag awit ng "A Whole New World" ng Disney'sAladdin. Nakasama niya rito si Brad Kane sa 65th Annual Academy Awards na kung saan nanalo ang kantang ito ng Oscar Award. Sa taong ding iyon, nailabas niya ang album na ipinangalan niya sa kanyang sarili para sa kanyang debut sa pamamagitan ng Atlantic Records. Nagkaroon lamang ito ng katamtamang dami ng pagbili sa USA samantalang nagkaroon ito ng platinum ng maibenta na ang album sa Pilipinas dahil nakapagbenta sila ng 3 milyong kopya sa buong mundo.
Sa taong 1994, sumali si Lea Salonga sa iba't ibang musikal na dulaan sa Pilipinas at Singapore. Siya ang nagbida bilang Sandy sa dulang Grease, Sonia Walsk para sa They're Playing Our Song, at isang mangkukulam sa Into the Woods.
Sa taong 1995 sa US, gumanap si Lea bilang Geri Roiordan, labing walong taong gulang na batang ampon sa palabas naRedwood Curtain ng Hallmark Hall of Fame. Sa pagbalik naman niya ng Pilipinas, nagbida sila ni Aga Muhlach sa palabas na "Sana Maulit Muli" na nagbigay sa kanya ng pangalawa niyang parangal sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) bilang Best Actress. Tinanggap din niya ang paanyaya ni Sir Cameron Mackintosh para gampanang muli ang papel na Éponine para sa ika-10 anibersaryo ng Les Miserables in Concertsa Royal Albert Hall sa London.
Taong 1996, Si Lea ay nasa Les Misérables muli dahil sa paanyaya sa kanya ni Sir Cameron Mackintosh at tinuloy ang kanyang papel hanggang sa Hawaii para sa national tour ng musical's US.
1997-2003
Noong 1997. inilabas niya ang kanyang bagong album na "I'd Like to Teach The World to Sing". Ang benta ng album na ito ay umabot ng gold sa Pilipinas. Sumunod ang album na "Lea... In Love" noong 1998, at ang "By Heart" noong 2000. Ang dalawang album na ito ay umabot ng multiple platinum status sa Pilipinas. Siya'y gumanap din sa apat na konsiyerto "Hey Mr. Producer: The Musical World of Cameron MacKintosh", "The Homecoming Concert", "The Millenium Concert", at "The Best of Manila and Songs from the Screen".
Nang matapos ang Miss Saigon sa Broadway noong 2001, Lumabas siya bilang Lien Hughes sa soap opera na "As The World Turns". Lumabas din siya sa TV medical drama "ER" bilang isang pasyenteng may saket na lymphoma.
Noong 2002, Bumalik siya sa Broadway bilang isang Chinese na imigrante sa reinterpretasyon ng "Rodgers and Hammerstein's Flower Drum Song". Si salonga ay na-nominate at nanalo ng mga parangal tulad ng Lead Actress in a Musical, galing sa Theatre Los Angeles Ovation Awards. Ang Ginanapan niya ay tinaguriang isa sa pinakamagandang palabas sa Broadway noong 2002 ng Time magazine. Nakakuha din ito ng mga nominasyon galing sa Tony Awards, Outer Critics Circle, The Drama League, The Astaire Awards, Broadway.com, at sa Grammy Awards.
2004-2007
Noong 2005, gumanap siya sa kaniyang unang US concert tour sa San Francisco, Los Angeles, Atlantic City, Chicago, Washignton D.C. at sa Virginia. Gumawa din ng voice-over work si Salonga bilang si Mrs. Kusakabe sa My Neighbor Totoro ni Hayao Miyazaki.
Lea Salonga bilang Fantine sa Les Miserables
Noong 2006, umawit siya ng "Triumph of The One" sa 15th Asian Games sa Doha, Qatar. Noong 2007, Naglabas siya muli ng album "Inspired" at muling gumanap sa Les Miserables sa Broadway, ngayon naman bilang si Fantine. Tumanggap si Salonga ng Order of Lakandula Award na ibinigay ni Gloria Macapagal-Arroyo bilang pagkilala sa kaniyang kahusayan at sa kaniyang talento sa pag-awit na pinakita niya sa buong mundo.
2008-2012
Noong ika-6 ng Hulyo 2008, Naging isang columnist si Lea Salonga sa Philippine Daily Inquirer. Gumanap siya sa "Global Pop" sa Music Center noong Julyo 11, 2008.
Noong 2008 hanggang 2009, Gumanap siya bilang Cinderella sa isang 30-week tour na nagsimula sa Manila, at tumuloy sa China, South Korea, Japan, Singapore, Malaysia, at Thailand. Pinalabas din ito sa Nevada, Washington, California, Indiana, New York, Hawaii at iba pa.
Lea Salong bilang Grizabella sa Cats
Gumanap si Lea Salong Bilagng Grizabella sa Asia-Pacific Tour ng musikal na Cats ni Andrew Lloyd Weber simula ng ika-23 ng Hulyo hanggang ika-22 ng Agosto, 2010 sa Cultural Center of The Philippines
Gumanap din si Lea Salonga bilang isang judge sa 60th Miss Universe 2011 sa Sao Paolo, Brazil. Siya ang nag-bigay ng tanong kay Miss Angola Leila Lopes na nanalo ng Miss Universe 2011 noong question-and-answer portion.
Pinarangalan si Salonga bilang isang Disney Legend noong ika-19 ng Agosto 2011. Siya'y umawit ng "A Whole New World" kasama si Darren Criss na isang half-Filipino na aktor at mang-aawit. Kinanta nila ito para sa komposer na si Alan Menken na ang sumulat ng kantang iyon.
Si Maria Ligaya Carmen Imutan Salonga o kilala bilang si Lea Salonga-Chien (ipinanganak Pebrero 22, 1971) ay isang Pilipinang mang-aawit at aktres. Una siyang nakilala sa The King and I ng Repertory Philippines noong
siya'y pitong taong gulang pa lamang. Sa edad na sampung taon, inirekord
ni Lea ang awiting Small Voice. Iyon ang naging simula nang pagiging
mabango ng kaniyang karera bilang isa sa mga sikat na aktres at
mang-aawit sa Pilipinas. Nagsimula ang kaniyang katanyagan sa ibang
bansa noong siya ay napiling gumanap bilang Kim sa tagumpay na musikal
na Miss Saigon noong 1989.
Nagtamo siya ng mga gantimpala mula
sa pinakarespetadong tagapaggawad ng parangal, at itinanghal bilang
kauna-unahang Filipina na nagkamit ng Laurence Olivier, Tony, Drama
Desk, Outer Critics Circle at ang Theatre World Award para sa natatangi
niyang pagganap bilang Kim. Noong 1993, si Lea ay gumanap bilang
Eponine, isang batang ulila sa Broadway production na Les Misérables.